^

Pang Movies

Derrick tuloy ang panliligaw kay Maine?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bidang-bida si Derrick Monasterio sa seryeng pinagtatambalan nila ni Bea Binene, ang Tsuperhero na napapanood sa GMA 7.

Kwento ni Derrick, dusa raw ang inaabot tuwing may fight scene dahil bukod sa mabigat ang kanyang outfit, napakainit pa sa taping dahil ginagawa raw nila ang nasabing eksena ng 2:00pm.

Masaya ang nanay ni Derrick na si Tina Mo­nasterio dahil tinupad ng anak ang pangarap niyang magbida.

Teka, tuloy pa ba ang panliligaw ni Derrick kay Maine Mendoza?

Wala naman masama kung ituloy niya dahil hindi pa naman mag-dyowa sina Maine at ang ka-love team nito na si Alden Richards.

Ria mas pinili ang showbiz kesa maging beauty queen

Proud na proud si Sylvia Sanchez sa kanyang dalawang anak na humahataw ngayon sa ABS-CBN, sina Arjo Atayde at Ria Atayde.

Napapanood si Ria sa My Dear Heart samantalang napapanood naman si Arjo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Inalok pala noon si Ria na sumali sa Binibining Pilipinas pero mas pinili nitong mag-showbiz.

Jake at Krystal nawawala

Nasaan na kaya si Jake Vargas? Wala nang kaingay-ingay ang career ng binata na tila natalbugan na ni Jak Roberto.

Nasaan din kaya ang bagets na si Krystal Reyes na magaling magdrama?

Sayang naman ang mga young star na ito.  

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with