Gusali ng DENR sa Cebu, nasunog
MANILA, Philippines - Nilamon ng apoy ang dalawang palapag na gusali ng Department of Environment and Natural Resources sa Central Visayas sa Greenplains Subdivision, Barangay Banilad sa Mandaue City, Cebu kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Mandaue City Fire Marshal, nagsimula ang sunog dakong alas -2:29 ng madaling araw sa Integrated Coastal Resources Management Project (ICRMP) sa nasabing lungsod. Naapula naman ang apoy bandang alas-4:20 ng madaling araw makaraang rumesponde ang mga bumbero. Wala namang naitalang nasugatan at namatay sa insidente bagaman malaking pinsala ang iniwan ng sunog kabilang ang mga kagamitan at dokumento sa nasabing tanggapan.
- Latest