^

Police Metro

Mister nabangga ng bus, nagulungan ng truck

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Namatay noon din ang isang mister na matapos na mabangga ng bus at pagtumba ay nagulungan pa ito ng truck naganap sa highway ng Brgy.Taysan,San Jose, Batangas,kamakalawa.

Nalasog ang katawan ng biktima na kinilalang si Marianito Pentinio ng Brgy. Sabang, Lipa City ng lalawigan.

Batay sa ulat,bandang alas-4:35 ng madaling araw ay kasalukuyang tumatawid ang biktima  sa nabanggit na highway nang mabangga at makaladkad ng Dimple Star Bus na hindi naplakahan.

Habang nakalupasay ang biktima sa highway  ay minalas itong magulungan ng parating na truck.

Sa halip namang sumuko sa pulisya ay kapwa mabilis na nagsitakas ang driver ng bus at ng truck.

Pinaghahanap ng pulisya ang driver ng bus at truck na kapwa tumakas.   

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with