^

Bansa

Anomalya sa parking fee sa Maynila, hiling silipin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inireklamo sa media ng isang motorista ang sobrang singil sa parking fee sa kalye na sakop ng Binondo, Maynila na taliwas sa nakalimbag sa resibong iniisyu.

Partikular na tinukoy ng complainant na di-nagpabanggit ng pangalan ang inisyung parking ticket ng isang babaeng Manila Traffic and Par-king Bureau (MTPB) personnel na naningil ng P50 para sa minimum na singil hanggang sa 3-oras na pagparada dakong alas-9 ng umaga noong Pebrero 27, 2017.

May logo ng City of Manila at MTPB ang hawak na ticket na may nakasulat na ‘‘Parking Spa-ces With Pay Project,’’ ang parking fee alinsunod sa Ordinance No. 7812 at inamyendahan ng Ordinance 7988 ay P20 lang para sa light vehicles tulad ng kotse,  jeep, tricycle, pedicab at motorsiklo para sa unang tatlong oras at papatawan ng P15 kada dagdag na oras.

Nagtaka ang motorista dahil kotse ang ipinarada sa loob ng 2-oras kaya sinita niya ang MTPB personnel nang muling makita.

Bigla umano siyang sinuklian ng P20 at pilit na inaagaw ang hawak niyang ticket na binayaran.

Dapat, aniya at suklian siya ng P30 suba­lit naglaho ang MTPB hanggang sa makita niya ang isa pang MTPB personnel na nagsabi na P50 talaga ang bayad sa unang 3-oras ng parking.

Nanawagan na rin ang biktima na dapat itong silipin ng lokal na pamahalaan para matukoy ang nasa likod ng anomalya na pinaniniwalaang ibinubul-sa lang at hindi nakarara-ting sa kaban ng lungsod.

vuukle comment

MTPB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with