^

Police Metro

Caretaker, dedo kay kuya

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na caretaker ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang mismong kuya matapos ang mainitang pagtatalo sa gitna ng inuman sa loob ng bahay ng  una  sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang nakilalang si  Angelo Coquilla, binata ng Ermin Garcia St., Brgy. E. Rodriquez, Cubao, Quezon City.

Tinutugis naman ang kapatid nitong suspek na si Eleuterio Coquilla, 27, ng Brgy. Payatas, QC.

Sa imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may second floor ng bahay ni Angelo, dakong alas- 3:30 ng madaling araw.

Lumalabas na bago ang insidente, masaya pang nag-iinuman ang magkapatid kasama ang mga testigong sina Geraldine Plana, 22, at Joyce Tupaz, 20.

Nag-ugat ang diskusyon ng mag-utol nang humingi   si Plana ng isang face towel sa boyfriend na si Eleuterio para pamunas ng pawis, pero ang ibinigay nito ay ang t-shirt ng kapatid na si Angelo dahilan upang magalit ang huli na humantong na sa mainitang   pagtatalo.

Para hindi na humaba ang pagtatalo ay nagpasyang bumaba ang biktima. Pero ilang sandali ay nagpasyang bumalik sa 2nd floor ng bahay para kunin ang naiwang pera. Inakala naman ng kuya nito na siya ang binalikan ng kapatid kaya pinagsusuntok niya ito hanggang sa saksakin sa dibdib.

Gayunman, sa kabila ng tinamong sugat ay nagawa pang makababa ng biktima at humingi ng tulong para madala siya sa pagamutan pero hindi na rin umabot pa nang buhay.

Nabatid na mabilis namang tumakas ang suspect na kuya matapos ang insidente.

 

vuukle comment

ANGELO COQUILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with