Positive Discipline
MANILA, Philippines - Ang daming mga magulang ang nahihirapan na kontrolin at pangasiwaan ang kanilang mga anak. May mga expert na nagpapayo sa mga nanay at tatay na bigyan ng space, pagmamahal, at ituring ang mga anak na tulad ng adult. Pero paano ang mahihirap turuan at ‘di matutong bata; na hindi agad nakukuha ang gustong sabihin ng magulang? Hindi lahat ng anak ay masunurin, merong bata na agresibo at may pagkarebelde.
Huwag mag-alala, daanin ito sa tinatawag na positive discipline o positive parenting. Ang goal ay hindi para kontrolin ang anak para sumunod. Kundi turuan silang maging responsible sa kanilang skills, behavior, at desisyon para unti-unti ay magkaroon ang mga bata ng self-control. Imbes na makipagtalo sa anak ay payagan siyang mayroon pagpipilian na bagay na nakawiwili. Hanggang humupa ang kanyang pagkabagot o pagmamarakulyo. Hayaan at encourage ang bata na magkaroon ng desisyon sa kanyang buhay. Sa halip na sawayin na inihahagis ang gamit, payuhan siyang bakit hindi na lang bola niya ang ihagis sa labas ng bahay para maglaro.
- Latest