^

Para Malibang

Pamamanhid ng Kamay at Paa

PITO-PITO - Pang-masa

 BABALA: Komunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

1. Marami ang sanhi ng pamamanhid ng kamay at paa tulad ng pa­ngangalay, exposure sa sobrang lamig na bagay, nerve injury, sobrang pag-inom at paninigarilyo, pagkahapo, at nutritional deficiency. Narito ang ilang home remedies para masolusyonan ang pamamanhid ng kamay at paa.

2. Warm compress. Maglublob ng towel sa mainit na tubig. Pigaan at ipatong sa apektadong parte ng kamay o paa at iwan ng 7 minuto. Ulitin ang proseso hanggang mawala ang pamamanhid.

3. Masahe. Maglagay ng mainit na olive, coconut, o mustard oil sa palad. Ipahid ito sa namamanhid na kamay o paa at masahihin ng paikot sa loob ng 5 minuto.

4. Ehersisyo. Maglakad, magbisikleta, jogging o swimming sa regular basis para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo.

5. Turmeric. Uminom ng turmeric supplements araw-araw. Komunsulta muna sa inyong doktor bago uminom ng kahit ano’ng klase ng supplement.

Cinnamon. Maghalo ng 1 kutsaritang cinnamon powder sa isang baso ng mainit na tubig. Inumin isang beses araw-araw.

6. Ginko Biloba. Uminom ng supplement na may 40 mg tatlong beses sa isang araw. Komunsulta muna sa inyong doktor kung makaaapekto ito sa inyong ibang iniinom na gamot.

7. Vitamin B. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina B lalo na ang B6 at B12 tulad ng fortified cereals, itlog, avocado, saging, karne, beans, isda, oatmeal, gatas, keso, yogurt, at mani.

vuukle comment

DOKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with