^

PSN Showbiz

Kris babalikan ang pinagmulan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

“My journey is taking me back to where I belong” ang latest pralala ni Kris Aquino.

Kanya-kanya ng hula ang fans ni Kris na matagal nang hinihintay ang pagbabalik niya sa telebisyon. May mga hula na babalik na si Kris sa ABS-CBN pero may mga nagsasabi na “Where you belong” ang dating slogan ng GMA 7 at dating co-host namin siya sa Startalk kaya may possibility na bumalik sa Kapuso Network ang ex-wife ni James Yap.

Pero hindi natin dapat makalimutan na nag-umpisa ang hosting career ni Kris sa Actually ‘Yun Na! ng RPN 9. Malay natin, baka magkaroon si Kris ng programa sa CNN Philippines na napapanood sa Channel 9.

Hindi rin natin dapat makalimutan na nagkaroon noon si Kris ng talk show sa PTV 4, ang Kris na production ng Viva Television. Naging belong din si Kris sa PTV4 pero malabo na bumalik siya sa government owned network dahil mismong ang general manager na si Papa Dino Apolonio ang nagsabi na “they cannot afford her.”

Anti-Kris bumanat, hindi raw interesado sa pralala ng TV host!

May mga sutil naman na nagsabi na hindi sila interesado na malaman ang network na babalikan ni Kris.

Sila ang haters na naniniwala na lipas na ang panahon ni Kris kaya hindi na tatangkilikin ng madlang-bayan ang anumang programa niya.

Sila ang bashers na tanggap na mahusay na host si Kris pero kumbinsido na nagbabago ang panlasa ng televiewers na mabilis magsawa at ayaw na sa mga television host na  mas gusto na i-promote ang sarili at sinasapawan ang mga bisita ng programa.

Sila ang mga anti-Kris na hindi agree sa mga opinyon na irreplaceable si Kris dahil ito ang nag-iisa na Queen of Media. Ginamit nila na example ang mga dating sikat na television host na tumamlay ang kasikatan dahil pinagsawaan na ang hosting style at may mga bago na pumalit na bata, magaling at hindi nakaka-offend ng mga guest.

Fans nagpapanggap na lang na blogger 

How true na nagdadalawang-isip na ang mga PR na imbitahan sa mga presscon ang mga kiyeme-kiyemeng entertainment bloggers na lumilitaw ang pagiging fan kapag kaharap na ang kanilang favorite star?

Kahihiyan ang ibinibigay ng mga fan na nagpapanggap na blogger para magkaroon ng photo op sa mga artista at hindi ito ikinatutuwa ng mga in charge sa presscon na nagising sa katotohanan na reliable pa rin ang legitimate members ng entertainment press.

Aktres hindi matanggap na nasa iba na ang ex

Cry me a river ang aktres dahil hindi nito matanggap na ipapareha sa iba ang kanyang loveteam na ex-boyfriend niya.

Lumilitaw na mahal pa rin ng aktres ang mhin kaya hindi niya matanggap na bubuwagin na ang kanilang loveteam.

Hindi na effective ang loveteam ng dating mag-dyowa dahil hiwalay na sila. Hindi na kasi matagalan ng aktor ang pagiging dominante ni girl.

Natuwa pa nga ang mga magulang ng aktor nang makipaghiwalay ito sa aktres dahil saksi sila sa pagiging sunod-sunuran ng kanilang anak sa ex-girlfriend.

 

 

 

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with