^

Pang Movies

Rocco masunurin

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakatuwa naman ang pagiging supportive ng karakter ni Ashley Rivera na si Diana kay Janine Gutierrez as Grace sa GMA Afternoon Prime series na Legally Blind.

Proud kasi siya, in every way, na tulungan si Grace as if ramdam niya ang sakit na pinagdaraanan nito. Kahit nga sa kanyang Instagram post, masaya siyang in-annouce na siya ang Pambansang Bes. 

It’s always nice kapag open-minded ang isang tao sa criticism ng ibang tao sa kanya.

Ganito ang ginawa ni Rocco Nacino sa isa sa mga manonood ng Encantadia na nagbigay sa kanya ng constructive criticism sa Twitter. Imbes kasi na malungkot, he took it positively at sinagot pa ang kanyang supporter ng “Appreciate your opinion. Will Take note on that.”

Marami naman sa mga follower ng Kapuso actor ang humanga sa kanya since it showed his maturity. Good job on this, Rocco.

Meanwhile, mas umiinit pa ang mga eksena sa GMA telefantasya dahil tila parami yata nang parami ang mahuhusay na aktor ang patuloy na pumapasok sa top-rating series ng network. Ngayon nga, ginagampanan ni Phytos Ramirez ang karakter ng binatang si PaoPao na ginampanan noon ng child wonder na si Yuan Francisco. Tanong tuloy ng marami ay ano pa ang susunod na mga kaganapan sa Encantadia?

Eugene hindi maramot sa kapwa komedyante

Every Sunday afternoon, hindi kumpleto ang hapon namin kapag hindi namin napapanood ang nakakagood vibes na episodes ng Dear Uge na pinangungunahan ng mahusay na GMA comedian na si Eugene Domingo.

Iba kasi ang timpla nito dahil meron itong life lessons at nakakaaliw na mga eksena. Kaya naman nang makausap namin si Uge, tinanong namin sa kanya kung ano ba para sa kanya ang rason kung bakit successful ang run ng kanyang show.

Hindi naman niya ipinagdamot ang para sa kanya ay sikreto ng Dear Uge.

Aniya, “It is because we are very, very close to each other; the creative team and our producers. Mababaw lang ang kaligayahan naming lahat. Gusto lang talaga naming mabigyan ng chance lalo na ang mga bago nating komedyante like sila Divine, Mercy, Hercules, at lahat ng guests namin na usually hindi natin nakikita na magcomedy. At meron kaming style rito na we just don’t’ usually follow the script, most of the time, we improvise. Kasi naniniwala kami na lahat dapat maging organic. I am very thankful with the creative team kasi binibigyan nila kami ng concept and from there, tumutubo ‘yung comedy.”

                               

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with