^

Bansa

3-anyos na paslit, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang 3 anyos na batang lalaki  ang  namatay nang mabagsakan ng nakasalansang hollow blocks mula sa ginagawang  bahay kamakalawa ng hapon sa Old Sta.Mesa, Maynila.

Namatay din habang  ginagamot  sa San Juan Medical Center Hospital ang biktimang si John  Brandon Garcia, ng 4886 Int., 22 San Roque St., Old Sta. Mesa, Maynila dahil sa pagkakabasag at pagkakatusok ng matigas na bagay sa kanang pisngi.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-homi­cide section, naganap ng insidente  dakong ala-1:20 ng hapon sa may 4886 Int. 22 San Roque St., Old Sta.Mesa,Maynila.

Naglalaro umano ang bata sa bahay na nire-renovate na  pag-aari ni Ronhel Claud, 31, nang aksidenteng mabagsakan ng mga  hollow blocks na isinalansan ng construction worker na si Fracisco Barcial Jr.,42.

Nawalan umano ng malay ang biktima nang bumagsak ito nang du­guan at kaagad namang isinugod sa pagamutan ni Claud pero hindi na nagi­sing pa ang paslit.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may pananagutan si Claud at Barcial sa  pagkamatay ng biktima.

 

vuukle comment

SAN JUAN MEDICAL CENTER HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with