^

Police Metro

Anti-illegal drugs ilunsad muli-Sen. Cayetano

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Ilunsad muli ang sinuspindeng kampanya laban sa illegal drugs,”

Ito ang naging apela kamakalawa ng gabi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa harap ng libu-libong supporters ni Pangulong Duterte na nagtipon-tipon sa Luneta.

“Ngayong gabi ako ay nakikiusap sa ating pangulo at sa PNP na i-relaunch niyo ang inyong anti-drug drive,” wika ni Cayetano.

Ayon kay  Cayetano, nakatanggap siya ng mga sumbong na muling bumalik ang mga pushers matapos suspendihin ni Pangulong Duterte ang anti-illegal drugs campaign ng PNP at ipinaubaya ito sa PDEA.
“Sir, simula nung sinuspinde ang Oplan Tokhang mara­ming pusher ang bumalik,” giit ni Cayetano.

“Totoo ba? Sa inyong lugar bumalik ang mga pusher? Pag bumalik ang pusher, kasama na diyan ang patayan ng ino­sente, kasama na diyan ang rape, ang nakawan,” dagdag pa ni Cayetano.
Idineklara rin ni Cayetano na kapag muling binuhay ang kampanya ni Duterte ay kikilalanin ito bilang people’s war laban sa illegal drugs.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with