^

Bansa

Sali na sa 2017 Manila Bay Seasports Festival

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatawagan ng Manila Broadcasting Company ang mga nais lumahok sa pagtatanghal ng 2017 Manila Bay Seasports Festival ngayong ika-18 at 19 ng Marso.

Sa proyektong ito ng MBC at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, tampok ang pinag­halong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.

Mahigit kalahating milyong piso ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan  matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat. 

Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.” Ang mga interesadong sumali ay dapat tumawag agad kay Lida Aquino, sa numerong 0915-242-7426  magmula ika-21 ng Pebrero.  First-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok.

vuukle comment

2017 MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with