^

Police Metro

Abogada itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang abogada makaraan itong pagbabarilin ng riding-in-tandem na mga armadong salarin sa naganap na pananambang sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Atty. Mia Manuelita Cuba Mascariñas-Green, 49, residente ng Centro 1, Dampas District ng lungsod.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Holy Name Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Bohol Police, naitala ang krimen sa panulukan ng H. Zamora Street at J.A. Clarin, Dao District, Tagbilaran City ng lalawigang ito dakong alas-4:27 ng hapon.

 Ayon sa imbestigasyon ang biktima ay kasalukuyang lulan ng kaniyang Toyota Innova kasama ang pamilya nito nang biglang harangin ng riding-in-tandem na mga armadong salarin.

Agad na pinuruhan ng pamamaril ng mga suspek na lumapit sa behikulo ang biktima saka mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal .9 MM at cal .45 pistol na siyang ginamit sa krimen.

Nagsasagawa na ng followup investigation ang mga awtoridad sa kasong ito upang alamin ang motibo ng krimen at maaresto ang mga salarin.

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with