^

Bansa

Death penalty kailangang ibalik – Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyang-diin kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na batay sa ulat ay tumaas ang heinous crime ng mahigit 3,000 percent matapos ibasura ang parusang kamatayan kaya nararapat lamang ibalik ang parusang bitay sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa Manila Times business forum sa Davao City, umabot sa 3,000 percent o 6,200 na kaso ang itinaas ng bilang ng mga nasangkot sa heinous crimes makaraang mabasura ang parusang bitay noong 2006 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Aniya, nasa 189 ang nakalinya pa sa parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection nang mabasura ang death penalty ni Pangulong Arroyo.

“Criminality went up when the death penalty was lifted. Quoting media reports, heinous crimes rose 3,000 percent after death penalty was abolished,” dagdag pa ni Pangulong Duterte na pinagkalooban ng ‘Man of the year’ award kahapon.

Noong 1897 ay ibinasura na ang parusang kamatayan sa Pilipinas subalit naibalik noong 1993 at ang unang na­bitay sa pamamagitan ng lethal injection ay ang convicted rapist na si Leo Echagaray.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with