Trader ginilitan, pinagnakawan
Cabanatuan City, Nueva Ecija – Patay ang 56-anyos na may-ari ng tindahan matapos itong gilitan ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Aduas Centro, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Naisugod naman sa Good Samaritan General Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Herimias Driza. Sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng killer ang tindahan sa bisinidad ng Clamontge Street saka isinagawa ang pamamaslang sa biktima bandang alas-9:40 ng gabi. Tinangay naman ang hindi nabatid na halaga na kinita ng biktima sa pagtitinda. Kasalukuyang nirerebisa ng pulisya ang footage ng CCTV camera sa kalapit na tindahan.
- Latest