^

Punto Mo

‘Unsolicited advice kay Gen. Dela Rosa’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DAPAT maintindihan ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela    Rosa ang tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng Presidente.

 Tulad ng lagi at paulit-ulit kong sinasabi sa aking mga prog­rama sa telebisyon at radyo maging sa kolum kong ito, ang tiwala ay kinakamtan hindi ipinagkakaloob. Nasa isang indibidwal na kung papaano niya ito papanatilihin at palalaguin pa.

 Baluktot at mali ang pananaw ng ilan na palibhasa pinagkatiwalaan sila sa mga nagdaang panahon, itinuring na itong panghabang-buhay. Ang tiwala ay progresibo.

 Ang tiwala ay nakakamtan base sa mga sinasabi, ginagawa, resulta at kinahinatnan ng gawa. Katumbas nito ay responsibilidad. Umaasa ang mga tao at ang nagluklok sa kanya sa puwesto, magagawa niya ang mga inaasahan sa kanya.

 Ako’y nababahala sa institusyon ng PNP. Dapat isagawa ang puspusang paglilinis. Tanggalin at patalsikin ang mga bulok sa kanilang hanay.  

 Baka kasi nakakalimot si General Bato. Tulad nga ng sinasabi ni Sen. Panfilo Lacson, dapat siyang mag-focus sa kanyang trabaho. Isipin muna niya ang kasalukuyan bago ang mga mangyayari kinabukasan.

 Alamin mo kung ano ang problema sa ahensiyang pinamumunuan mo. Hindi ubra rito ang balat-sibuyas.  

 Kung sinadya man ang sinasabing pagpatay sa Koreanong negosyante sa loob mismo ng Camp Crame kung saan tatlong dura lang ang layo mula sa kanyang tinitirhan, ito ay pambabastos at pang-iinsulto. Walang galang at respeto sa kanya ang mga pulis na sangkot sa krimen. Gusto siyang ipahiya at itinuturing siyang bobo.   

 Isinalba ni President Duterte si Bato sa panawagan ng mismong kaalyado nilang si House Speaker Pantaleon Alvarez na mag-resign na ito sa puwesto.  

 Hindi ito isyu ng pagkakampi-kampi. Bumabalanse ang Presidente dahil siya rin ang kawawa at mabubukulan.

Ang kailangang mag-isip-isip at mag-analisa ngayon, ‘yung taong muling pinagkalooban ng tiwala.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

vuukle comment

GEN. DELA ROSA’

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with