^

Police Metro

Gang war: 5 patay

KAPUSO DAY - Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang tatlong estud­yante ang nasawi  makaraang pagbabarilin ng kalabang gang sa malagim na insidente sa Biñan City, Laguna nitong Biyernes ng  madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnel Barce, 17; Ranel Barce, 18; Darwin Villareal, 18; pawang mga estudyante; Rico Laserna, 32 at Mark Robin Ignacio, 27.

Ayon sa pulisya, sina Arnel Barce, Villareal, Laserna at Ignacio ay pawang dead-on-arrival na sa Biñan Hospital habang binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Hospital sa lungsod na ito si Ranel Barce, 18.

Sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Pernito, naganap ang krimen sa harapan ng Canlalay Elementary School sa Brgy. Canlalay ng lungsod bandang alas-12 ng madaling araw.

Kasalukuyang nasa bisinidad ng nasabing lugar sa tapat ng naturang eskuwelahan ang mga biktima nang ratratin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kalaban nitong mga gang.

Ayon naman kay Supt. Serafin Petalio, hepe ng Biñan City ang mga suspek at ang mga biktima ay pawang mga magkalabang grupo sa lugar.

Gayunman, sinisilip pa ang ibang anggulo sa naganap na krimen.

Narekober sa crime scene ang 13 cartridge ng cal 9 MM at mga nadepormang basyo ng nasabing mga armas.

vuukle comment

TATLONG ESTUD­YANTE ANG NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with