^

Krema

Krema (88)

SOUNDS FAMILIAR - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAALAM na sina Dang at Paulo kay Lex.

“Aalis na kami Lex. Sa-lamat sa pagpayag mo na dito ako tumira. Siyanga pala, magkano ang renta sa pagtira ko rito?’’

“Huwag na Dang. One month ka lang naman na titira rito di ba?’’

“Ow talaga, libre na. Sala­mat uli Lex. Hindi kami nagkamali sa paglapit sa’yo. Hayaan mo at makakaganti rin ako sa’yo. Masisiyahan ka sa igaganti ko, Lex,’’ saka ngumiti nang napakatamis si Dang.

Napangisi naman si   Paulo --- ngising-aso.

Umalis na ang dalawa.

Nag-iisip naman si Lex habang tinatanaw ang dalawa habang naglalakad palayo.

Isang buwan lang naman na titira si Dang kaya walang problema. Malaki naman ang iaakyat na pera. Yayaman agad siya.

Maya-maya ay biglang nag-ring ang cell phone niya.

Ang mama niya ang tumatawag.

“Hello, Lex.’’

“Hello Mama.’’

“Kumusta Lex?”

“Okey lang Mama.’’

“Hindi ka ba nahihirapan diyan? Kung nahihirapan ka, puwede ka namang umuwi na rito at kumuha na lang ng caretaker.’’

“Naku hindi ako nahihirapan, Mama. Enjoy nga ako. At saka ngayon pa bang yayaman na ako saka babalik diyan.’’

“Yayaman? Anong yayaman?’’

Saka na-realized ni Lex na nadulas ang dila niya. Sana hindi niya nasabi yun.

“Anong yayaman, Lex. Bakit para kang napipi?’’

Walang nagawa si Lex kundi sabihin ang pakikipag-usap sa dalawang negosyante na papakyaw sa mga ani ng bukid at iba pang produkto. Nasabi rin niya na nagpauna na ng bayad ang mga negos­yante.

Gulat na gulat at nabahala ang kanyang mama. Tutol ito.

“Bakit pumasok ka sa ganyang usapan? Baka mga masasamang tao ang kausap mo?”’

“Mama, may masama bang tao na nagbigay ng P50K?’’

“Kahit na. Baka pain yan para ka makumbinsi. Sana hindi ka agad pumayag.’’

“Tapos na ang usapan namin Mama.’’

“Diyos ko, kinakabahan ako.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

PAULO KAY LEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with