^

Metro

AWOL na parak, patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang AWOL (Absence Without Official Leave ) na bagitong pulis matapos itong pagbabarilin  ng mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Ortigas Ave­nue Extension, Brgy. Sta Lucia, Pasig City nitong Biyernes ng hapon.

Sa report ng Pasig City Police, kinilala ang nasawi na si PO1 Marlon Nartates, PNP member na dating nakatalaga sa Rizal Provincial Police Office (PPO).

Bandang ala-1:20 ng hapon nang mangyari ang krimen sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension sa panulukan ng Countryside, Brgy. Sta Lucia, Pasig City.

Ayon sa imbestigasyon kasalukuyang naghihintay ng masasakyan ang biktima sa nasabing lugar nang big­lang huminto ang tatlong motorsiklo  sa tapat ng kinatatayuan nito.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na duguang bumulagta at binawian din agad ng buhay.

Nabatid pa na ang nasawi ay dating driver /bodyguard ni Acsaimin Buratong, alyas Macmac, sangkot sa illegal drug trade na nagsasagawa ng operasyon sa Pasig City at mga ka­nugnog na lungsod sa Metro Manila at maging sa lalawigan ng Rizal.

Sa tala ng pulisya si Acsaimin ay pamangkin ni Amin Buratong , isang notoryus na drug lord na nasakote sa raid sa shabu tiangge sa Pasig City noong 2007.

Sa kasalukuyan ay nakaditine si Acsaimin sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa City matapos itong mahatulang guilty sa kasong may kinalaman sa  illegal drug trade.

Inaalam pa naman ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with