^

Probinsiya

Dyip hulog sa bangin: 29 sugatan

SOUNDS FAMILIAR - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampu’t siyam katao kabilang ang driver ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng municipal Road, Sitio Midas, Brgy. Ucab, Itogon, Benguet nitong Martes ng hapon.

Kabilang sa  mga nasugatang biktima na sina Willy Mabitasan, driver ng Armak passenger jeepney; mga pasahero nitong sina Loreto Soriano, 57; Danny Malasmas Sr., 50; Melody Pangaton, 30; Jamieke Mabitasan, 4 taong gulang; Ivan Malasmas, 15; Nathalie Pangaton, 22; Jackielyn Mabitasan, 35; Erina Palista, 61; Ernesto Waclin, 64; Jeanjie Sagobo; Lemuel Palista, 13; James Dapnisan, 42; Arsenio Dapnisan, 36 at Sam Sagobo, 50 taong gulang.

Sa ulat ng Cordillera Police, nangyari ang sakuna sa nabanggit na highway sa lugar bandang alas-3:20 ng hapon. Habang binabagtas ng Armak passenger jeepney (AVV 261) na minamaneho ni Mabitasan ang lugar lulan ang 28 pasahero ng Sitio Pi­ging at Bayaan, Brgy. Ucab, Itogon nang mangyari ang sakuna. Kagagaling lamang nila sa lamay sa burol sa Batuang, Brgy, Virac, Itogon at patungo na sa Baguio City nang magloko ang makina ng behikulo at nawalan ng preno. Dito, tuluy-tuloy na bumulusok ang sasakyan sa may 25 metrong malalim na bangin.

vuukle comment

DYIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with