^

PSN Palaro

Grizzlies nadale ang Warriors sa OT

SOUNDS FAMILIAR - Pilipino Star Ngayon
Grizzlies nadale ang Warriors sa OT
Si Zach Randolph ng Grizzlies laban kay Zaza Pachulia ng Warriors

OAKLAND - Kinumpleto ng Memphis Grizzlies ang pagbangon mula sa 24-point deficit para resbakan ang Golden State Warriors, 128-119 sa overtime sa Oracle Arena.

Pinagbidahan ni Zach Randolph ang inihulog na 16-0 bomba sa loob ng tatlong minuto ng laro para idikit ang Memphis sa 102-104 agwat sa huling 5:01 minuto sa regulation period matapos ilista ng Golden State ang 88-64 bentahe.

Nagsalpak si Troy Daniels ng tatlong triples sa nasabing arangkada ng Grizzlies laban sa Warriors na nagtala lamang ng field goal sa fourth quarter matapos kumonekta si Stephen Curry ng isang jumper sa huling 3:08 minuto.

Napuwersa ng Memphis ang laro sa overtime matapos isalpak ni Mike Conley ang isang step-back jumper laban sa isa sa NBA top defender na si Draymond Green ng Golden State sa natitirang pitong segundo sa 111-111 pagkakatabla.

Nagtuwang naman sina Marc Gasol at Randolph sa pagsisimula ng extra period para ibigay sa Grizzlies ang six-point lead kasunod ang three-point play ni Green para ilapit ang Warriors.

Huling nakadikit ang Golden State sa 119-122 agwat matapos ang tres ni Green sa huling 1:13 tminuto.

Kumamada si Conley ng isang clutch jumper na sinundan ng salaksak ni Tony Allen para muling ilayo ang Memphis sa 126-119 sa nalalabing  21.7 segundo.

Tinapos ng Grizzlies ang kanilang two-game losing skid at pinigilan ang apat na sunod na panalo ng Warriors, nakahugot kay Curry ng 40 points.

Sa Orlando, iniskor ni Ryan Anderson ang lahat ng kanyang 19 points sa second half para tulungan ang Houston Rockets sa 100-93 paggupo sa Magic.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Houston, nakahugot kay Eric Gordon ng 17 points, habang may 14 markers at 10 assists si James Harden.

Sa Boston, nakabalik sa porma ang Celtics matapos ang malamyang laro sa second quarter para talunin ang Philadelphia 76ers, 110-106.

Pinangunahan ni Al Horford ang opensa ng Boston nang humugot ng 14 sa kanyang 19 points sa fourth period at idiretso sa tatlo ang kanilang pananalasa.

vuukle comment

MEMPHIS GRIZZLIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with