^

Police Metro

158 preso nakatakas... 7 patay sa jailbreak

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
158 preso nakatakas... 7 patay sa jailbreak
Sa report ni Sr. Supt. John Peter Bonggat Jr., Officer-in-Charge ng NCDJ kinilala ang mga nasawi na sina JO1 Excel Ray Vicedo; Joey Aranas; Allan Tolentino; Liscano Edifel; Rapacon Ambolodto; Adonis Cedeno; at Kagawad Satar Manalundong na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
AP

MANILA, Philippines – Pitong katao ang  nasawi kabilang ang isang jail officer habang nasa 158 preso ang nakatakas nang salakayin ng mahigit sandaan armadong kalalakihan na  pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang North Cotabato District Jail (NCDJ) sa Kidapawan City kahapon ng umaga.

Sa report ni Sr. Supt. John Peter Bonggat Jr., Officer-in-Charge ng NCDJ kinilala ang mga nasawi na sina JO1 Excel Ray Vicedo; Joey Aranas; Allan Tolentino; Liscano Edifel; Rapacon Ambolodto; Adonis Cedeno; at Kagawad Satar Manalundong na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng mada­ling araw nang salakayin ng mga rouge elements ng MILF ang detention cell ng mga preso sa nasabing piitan na matatagpuan sa Capitol Complex, Amas ng lungsod.

Sa kabuuang 158 tumakas na preso ay 14 ang naaresto sa pursuit operations habang patuloy ang pagtugis sa iba pa.

Nabatid na ang preso ay tumakas sa likurang bahagi ng kulungan kung saan ay umakyat ang mga ito sa hagdanan na inilagay ng mga raiders sa tagiliran ng pader.

Sa imbestigasyon, sinabi naman ni Army’s 10th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Rafael Valencia, hinarass ng mga armadong MILF rogue elements ang nasabing piitan na kinaroroonan ng  mga nakapiit nilang kasamahan na nagresulta sa 2 oras na   bakbakan.

Ang nasabing jail facility ay mayroong 1,511 inmates na may kinakaharap na samutsa­ring kasong kriminal.

Sa kasagsagan na palitan ng putok ay napatay ang anim na inmates habang nagawa pang maisugod sa pagamutan ang nasabing jail officer ay binawian na rin ito ng buhay.

Isinailalim na sa heightened alert status  ang lahat ng BJMP units sa Region 12  bunga ng insidente.

vuukle comment

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with