Coed inumpog sa pader ng nobyo... nabitin sa sex pumatay
MANILA, Philippines – Namatay ang isang 19-anyos na kolehiyala nang iumpog ang ulo nito sa pader ng banyo ng kanilang eskwelahan ng nobyo matapos mabitin sa sex kahapon sa Koronadal City, South Cotabato.
Ang biktima ay kinilalang si Angela Jamora, ng Barangay Improgo, Banga, South Cotabato, 2nd year college sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Marvelous College.
Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Peter John Lacro, 21, residente ng San Felipe, Tantangan, South Cotabato, kumukuha ng kursong Bachelor of Technical Teacher’s Education Major in Electrical Technology.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng umaga ay sinundan umano ng suspek ang pagpasok ng biktima sa banyo.
Doon ay tinakot ng suspek ang biktima na kung hindi makikipagtalik sa kanya ay ikakalat nito ang kanilang sex video sa social media na kinunan noong sila ay nag-iinuman.
Nang gagahasain umano ng suspek ang biktima ay may biglang pumasok sa kabilang silid ng banyo kaya’t nabitin ang suspek at sa galit ay inumpog nito ang ulo ng biktima sa pader hanggang sa ito ay mamatay.
Lumalabas din na nagseselos ang suspek nang mabalitaan nito na bukod sa kanya ay may ibang karelasyon ang biktima.
Ayon naman kay Janjan na pinsan ng biktima na ang suspek ay hindi ang nobyo nito dahil may ibang lalaki na ipinakilala sa kanya ang huli na tunay nitong nobyo.
Lumalabas din sa imbestigasyon na ipinapakalat lang ng suspek na nobya nito ang biktima na ang katotohanan ay wala silang relasyon.
- Latest