^

Probinsiya

Proyekto sa mga apektado ng bakbakan, mararanasan na

DIRECT LINE - Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagpasok ng 2017, inaasahang mararanasan na ng mga mamamayang naninirahan sa tinuturing na “mga komunidad na apektado ng labanan” sa bansa ang mga proyektong magiging daan para sa kanilang maayos na pamumuhay na matagal na nilang inaasam.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael “Mike” Sueno, nasa kabuuang 535 o 68 percent ng 787 projects sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ang kumpleto na ngayong 2017 na nagsimula noong 2012.

Ayon sa kalihim, patuloy na minomonitor ng kanilang departamento ang nalalabing 252 projects na nasa iba’t-ibang stages na ng implementasyon.

Ang PAMANA prog­ram ay naglaan ng subsidiya at technical assistance para sa proyektong pang-imprastraktura tulad ng mga kalsada, tubig, mga tulay, at pampublikong palengke para maiangat ang kabuhayan ng mga naninirahan sa komunidad na apektado ng giyera at paigtingin ang kapayapaan.

Hindi magiging mapayapa kung walang pagbabago. Sa mara­ming taon, ang nasabing problema ay tinugunan at ginamot ng PAMANA.

Sa pamamagitan ng PAMANA, tinukoy ng DILG ang sub-regional development interventions na nakapaloob sa economic structures, local roads, evacuation centers, suplay ng tubig at mga sub-projects para sa imprastraktura.

Ang kagawaran ay nagtayo rin ng kasilidad ng DILG Field offices at local government units (LGUs) sa pamamagitan ng conflict-sensitive planning at investment programming.

Pinatupad din ang mga polisia na tutukoy sa mga isyu kaugnay sa tamang pamamahala sa mga lugar na apektado ng bakbakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with