^

Bansa

Mapaminsalang mga bagyo ng 2016 ‘di na gagamitin

CONVERSATIONS - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaaring hindi na ga­mitin pa ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Ser­vices (PAGASA) ang mga bagyong nag-iwan ng matinding pinsala sa ating bansa noong 2016.

Ito ang sinabi ni Dr. Vicente Malano, administrator ng PAGASA upang hindi na manumbalik pa sa isipan ng sambayanang Pilipino ang mga epekto at pinsala na naidulot ng malalakas na bagyo na pumasok sa Pilipinas nooong 2016 na kumitil ng mga buhay at nagwasak ng maraming ari-arian.

“Sa ngayon, iniisa isa namin ang mga pangalan ng bagyo ng 2016 at ang mga bagyo dito na mas­yadong nakaapekto sa mamamayan at sa ating bansa ay malamang na hindi na natin muling gamitin pa sa 2017,” pahayag ni Malano. 

Anya, ilan sa bagyong maaaring tanggalin nila sa listahan ay ang bagyong Lawin, Karen at Nina na pawang nagdulot ng ma­tinding pinsala sa mamamayan.

Gayunman, sinabi ni Malano na bagamat kada taon ay mahigit 20 bagyo ang inaasahang tatama sa bansa, nitong 2016 ?ay 14 bagyo lamang ang pumasok dahil sa epekto ng El Nino phenomenon o panahon ng tagtuyot

Ngayong 2017, inaasahan nila ang mas mara­ming bagyo na papasok sa bansa dahil naman sa pagpasok ng La Nina phenomenon o maulang panahon kaya ibayong pag-iingat anya ang kailangang gawin sa susunod na taon.

Sa pagpasok ng ba­gong taon ay agad iaanunsyo ng PAGASA ang pangalan ng mga bagyo na gagamitin sa 2017. 

vuukle comment

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SER­VICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with