^

Metro

Drug pusher todas sa buy bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa umanong drug pusher ang hindi na umabot pa sa pagdiriwang ng Bagong Taon makaraang masawi matapos umanong manlaban sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng anti-drug unit ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay San Agustin kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilalang si Ricardo Bangit Jr., 23, alyas Jepoy, binata ng no. 38 Bagong Landas, Brgy. San Agustin, No­valiches.

Batay sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis sa suspek at dito ay nakabili ng halagang P1,000 ng shabu sa kahabaan ng Heavenly Drive ng nasabing barangay.

Gayunman, matapos ang transaksyon at aarestuhin na ng mga operatiba si Ba-ngit ay biglang nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang mga una pero nagmintis ito.

Gumanti ng putok ang mga operatiba at nasugatan si Bangit saka itinakbo sa Novaliches District Hospital para magamot pero idineklara din itong patay dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .9mm; anim na pi-raso ng basyo ng bala ng kalibre .9mm; at apat na piraso ng plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with