^

Metro

6 minasaker sa pot session

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 minasaker sa pot session
Magkatuwang na binuhat ng funeral personnel ang isa sa anim na minasaker sa isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines – Anim-katao na sinasa­bing nagpa-pot session ang pinagbabaril hanggang sa napatay ng mga hindi kilalang lalaki sa isang bahay sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Ranel Valenzuela, 51; German “Jing” Vidal, 40; Anthony “Tone” Quintana, 30; Christian “Pogpog” Camungol, 33; Johnson “Buyog” Miravales, 26; at si Alex Hongco, 31, mga nakatira sa Barangay Pinagbuhatan sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Romeo Tanguilan ng Pasig City police, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa isang bahay sa 1st  Narrat Street, Purok Acacia sa nabanggit na barangay.

Ayon sa police report, sinasabing nagpa-pot session ang mga biktima sa bahay ni Valenzuela nang dumating ang limang maskaradong  kalalakihan saka isinagawa ang pamamaril.

Mabilis na tumakas ang gunmen sakay ang isang taxi na walang plaka.

Isang residente naman ang tumawag ng rescue team sa Brgy. Buting na rumesponde naman sina Caroline Calma, Matt Ferrer at Dr. Jefferson Bacalangco para isugod sa ospital ang mga biktima pero idineklarang patay.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­rations (SOCO) ang apat na plastic sachet na may shabu, 27 basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril at apat na live bullets.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na matagal ng ginagamit na drug den ang nasabing bahay kung saan sinasabing ang mga biktimang sina Vidal, Hongco at Camungol ay kabilang sa drug watchlist ng nasabing barangay.

vuukle comment

MINASAKER SA POT SESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with