^

Pang Movies

Goma kating-kati nang magsampa ng kaso

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma kating-kati nang magsampa ng kaso
Richard Gomez

Nabanggit na rin lang si Mayor Richard Gomez, nakatanggap kami ng isang text message mula sa kanya. Sinabi nga niyang pagbalik na pagbalik niya mula sa London, isasampa na niya ang kaso laban sa mga nagbibintang sa kanya nang walang basehan.

Bukod doon, sinasabi ngayon ni Goma na gusto niyang humarap sa pareho ring forum, ibig sabihin sa imbestigas­yon ng senado.

Oras daw na paharapin siya sa imbestigasyon, ibubulgar rin niya ang lahat ng mga talagang involved sa droga. Nauna riyan ay may sinasabi na siyang mga pulis na protector ng mga drug lord at nakahanda na raw siyang pangalanan ang mga iyon, at magharap ng mga ebidensiya na magpapatotoo ng kanyang sasabihin. Hindi kaya makatulong din iyan sa imbestigasyon lalo na sa pagpatay kay Mayor Espinosa?

Talagang matapang si Goma ha, at nakahanda iyang ipaglaban kung ano ang tama kahit na ano pa ang kahinatnan noon.

Sharon nasisi sa mabagal na internet

Kawawa rin naman si Sharon Cuneta. Nag-comment lang siya na mabagal ang kanyang internet connection na alam na naman nating lahat dahil lahat naman tayo nag­rereklamo sa mabagal ng internet sa Pilipinas. Pero dahil doon napakaraming nag-bash kay Sharon sa social media.

Ang sinasabi nila, ang tagal na raw senador ng asawa ni Sharon pero walang nagawang batas na may kaugnayan sa internet. Bakit daw ngayon ay nagrereklamo siya? Bakit hindi raw himukin ng Megastar na gumawa ng batas ang kanyang asawa para patinuin ang internet service sa Pilipinas?

Bailey tinitilian

Nag-launching ng kanilang teenage casual wear ang Bench sa isang mall sa Taguig at ipinakilala nila ang mga bagong endorser na sina Bailey May at Ylona Garcia, na alam naman nating naging magka-love team simula noong magkasama sila sa isang reality show. Pagkatapos nu’n ay nakasama na sila doon sa serye nina James Reid at Nadine Lustre, kung saan mas nakakuha sila ng magandang exposure.

Pero napansin lang namin, kaga­ya rin ng ibang teenage love teams ngayon, muk­hang mas ma­­tindi ang dating sa fans ni Bailey May. Kung nata­tandaan ninyo, unang pasok pa lang niya sa reality show na PBB ay medyo naging kontrobersiyal na siya dahil sa biruan nila noon ng isang kasamahan din nila. Eventually natanggal nga ang kasama nilang iyon at ini-link na si Bailey kay Ylona para mabura na ang naunang controversy. Pero mukhang malakas talaga sa fans si Bailey.

Noong kumanta na siya ng isang Tagalog song, hindi naman sikat iyong kinanta niya. In fact, hindi namin natatandaang narinig na iyon sa iba, pero napakalakas ng tilian ng fans. Maliwanag na ang tinitilian ay hindi ang kanta kung hindi si Bailey mismo.

Para naman sa Bench, maganda iyan dahil ibig sabihin nakakuha na naman sila ng isa pang malakas na endorser.

Endorser na nila sina Daniel Padilla, James Reid at Alden Richards. Of course masasabi ring hanggang nga­yon wala namang ine-endorse na iba ang forever na matinee idol na si Richard Gomez. Kaya nga sinasabi nila na ang kumpanya ang nangunguna lalo na sa men’s fashion.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with