^

Pang Movies

Nakakontrata sa Viva apo ni Pres. Duterte mag-aartista na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nakakontrata sa Viva apo ni Pres. Duterte mag-aartista na!
Isabelle Duterte

Aspiring actress pala si Isabelle Duterte, ang 16-year old granddaughter ni President Rodrigo Duterte.

Anak ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Isabelle sa kanyang ex-wife na si Lovely.

Si Annabelle Rama ang manager ni Isabelle na contract star na rin ng Viva Artists Agency.

Pagtutulungan ni Annabelle at ng VAA ang pamamahala sa showbiz career ni Isabelle na carbon copy ng tatay niya.

Ang birthday dinner ni Annabelle sa isang restaurant sa Resorts World Manila ang unang public appearance ni Isabelle. Noong October 31 pa ang birthday ni Annabelle pero noong Linggo lamang gina­nap ang birthday celebration niya na dinaluhan ng kanyang pamilya at close friends.

Baste maraming inayawang endorsement!

Si Baste Duterte ang nililigawan na pumasok sa showbiz pero hindi siya interesado.

Marami ang mga offer na product endorsement ang tinanggihan ni Baste na walang kahilig-hilig sa showbiz.

Ang ending, ang apo pala ni Papa Rody at hindi ang kanyang anak na lalake ang type na mag-artista. Ano kaya ang masasabi ni Papa Rody at ni Paolo sa pagpasok ni Isabelle sa showbiz?

Confirmed, Enchanted Kingdom magbubukas sa Negros

Confirmed na magkakaroon ng theme park na Enchanted Kingdom sa Silay City, Negros Occidental.

Si Congressman Albee Benitez ng Negros Occidental ang nagsabi na magsisimula ang operation ng Enchanted Kingdom sa Silay City bago matapos ang 2017.

Six hundred million ang halaga ng pinakahihintay na branch ng Enchanted Kingdon sa bayan ni Papa Albee.

Dahil sa kanyang good news, pinasaya ni Papa Albee ang mga kababayan niya sa Negros Occidental dahil hindi na nila kailangan na lumuwas sa Maynila para mapuntahan ang Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna at wala nang dahilan para bumiyahe pa sila sa Hong Kong para makapaglamiyerda sa Ocean Park at Disneyland.

Wish ko lang, imbitahan ako ni Papa Albee sa bonggang opening ng Enchanted Kingdom sa susunod na taon, pati na ang ibang mga kaibigan niya sa entertainment industry.

Shows ng GMA sa 2017 nakahilera na

Sa susunod na taon pa mapapanood ang mga bagong programa ng GMA 7, ang sequel ng Mulawin na ipalalabas sa March 2017, ang television adaptation ng Pinulot Ka Lang sa Lupa, ang Tagalog adaptation ng My Love From the Star at ang Ika-anim na Utos.

Ang My Love From the Star ang Koreanovela na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado pero hindi pa sinasabi ng Kapuso Network ang lucky guy na makakapareha niya.

Ang Ika-anim na Utos ang adult drama na pagsasamahan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Gabby Concepcion. Ang Ika-anim na Utos ang dahilan kaya pinagpahinga muna ang role ni Sunshine sa Encantadia dahil kaila­ngan na siya sa taping ng afternoon soap nila nina Gabby at Ryza na maligaya dahil nabigyan pa ito ng bagong assignment. Ang akala talaga ni Ryza, hindi na siya magkakaroon ng show sa kanyang home studio.

Karelasyon ng aktres na walang konek sa showbiz lutang lagi!

Hinuhulaan na hindi magtatagal ang re­lasyon ng aktres at ng kanyang boyfriend na walang kinalaman sa showbiz.

Ang sey ng mga saksi, parehong wala sa sarili ang aktres at ang mhin.

Imbyerna sa mhin ang friends ng aktres dahil feeling belong na belong siya. Masyado raw komportable at feeling know it all ang boyfriend ng aktres na hindi rin naman sineseryoso sa showbiz dahil pa­laging lutang at walang saysay ang mga sinasabi.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with