^

Police Metro

Trader na isinabit sa kill plot vs Duterte sumuko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang negosyante na isinasangkot sa balaking pagpatay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sumuko sa mga otoridad sa Bacolod City, Negros Occidental nitong Martes.

Ang suspek ay kinilalang si Bryan Ta-ala na sumuko kay Chief Inspector Jovil Sedel, hepe ng Bacolod City Police Station 6 sa tulong ng kaniyang legal counsel na si Atty. Leon Moya Jr.

Batay sa ulat,dakong alas-9:30 ng umaga nang sumuko si Ta-ala  sa kasong illegal possession of firearms na inisyu ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 54 Judge Eduardo Sayson noong Nobyembre 2 kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansa­mantala nitong kalayaan.

Agad namang idinitine sa Bureau of Jail Management and Peno­logy sa Bacolod City  habang hinihintay pa ang commitment order ng korte kung saan ito ipipiit.

 Magugunita na si Ta-ala ay sugatang nasakote ng mga otoridad  at ang kanang kamay nitong si Wilford Palma sa operasyon sa Brgy. Tangub, Bacolod City noong Agosto 6 ng taong ito pero dahilan sugatan ang una ay isinugod ito sa pagamutan at si Palma lamang ang naiharap ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa press briefing sa Camp Crame.

Sa isinagawang tactical interrogation sa suspek ay nagsabi na ang mga nakumpiskang kahon kahon ng mga smuggled na parte ng baril ga­ling sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng P 4.5-M ay gagamitin umano ng gun running syndicates na kinabibilangan ng mga suspek sa kill plot laban kay Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Spokesperson Supt. Elizabeth Jasmin na kinakailangan pang sumuko si Ta-ala gayung ito ay nakakulong dahil sa  nakakuha ito ng ‘release order’ galing sa korte na iprinisinta ng abogado nito kaya  pansamantalang nawalan ng hurisdiksyon sa negos­yante ang CIDG Bacolod City operatives.

Nabatid pa na nagpiyansa ng P200,000 si Ta-ala noong Setyembre 8 sa kasong gun smuggling kaya ito nakalaya at  sumuko sa kasong illegal possession of firearms matapos na mag-isyu ng panibagong warrant of arrest ang korte.

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with