Bradley naniniwalang mananalo ang Pinoy icon
LAS VEGAS – Tatlong beses silang nagharap sa ibabaw ng boxing ring.
Ngunit inaasahan ni Timothy Bradley, Jr. na mananalo si Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas via decision ngayon sa Thomas & Mack Arena.
Sinabi ni Bradley na ibabase ang resulta ng laban nina Pacquiao at Vargas sa scorecards at hindi sa pamamagitan ng knockout win na mas gusto ni ‘Pacman’.
“Vargas is tough, I think he goes 12 (rounds),” sabi ni Bradley sa mga reporters sa media center ng Pacquiao-Vargas promotion dito sa Wynn Las Vegas.
“I think he knows enough. I think he’s experienced enough. If needed to survive, he can survive,” dagdag pa ng American boxer.
Kapwa nakalaban na ni Bradley, ang dating WBO welterweight champion, sina Pacquiao at Vargas.
Sa laban nina Pacquiao at Vargas ay tatayo si Bradley bilang analyst sa broadcast panel.
Nilabanan ni Bradley si Pacquiao ng tatlong beses kung saan naipanalo ng Filipino icon ang dalawa nilang pagtutuos.
Noong 2015 ay pinabagsak ni Vargas si Bradley sa 12th round.
Marami ang nagtaas ng kilay nang piliin ni Pacquiao na labanan si Vargas.
Ayon kay Bradley, hindi dapat maliitin ang kakayahan ng Las Vegas-based fighter.
“Jessie Vargas is the champion, he has to be respected,” wika ni Bradley. “We know what Manny Pacquiao can do, but we got to give this kid a shot.”
Tinukoy din ng Palm Springs, California-based na si Bradley na hindi pa napapatumba si Vargas sa kanyang mga laban.
At ang pamatay nitong overhand right ang dapat ingatan ni Pacquiao.
“He has a secret, a little trick up his sleeve: the overhand right. I don’t know how the hell he landed it, but landed it on me, he landed it on Sadam Ali, and if he can land that shot against Manny Pacquiao... What do you think knocked out Manny Pacquiao?” ani Bradley.
Ngunit sa huli ay mas naniniwala si Bradley na mananalo si Pacquiao kay Vargas.
“Pacquiao just has to himself in this fight. Pacquiao hits harder. Pacquiao can sting,” ani Bradley. “The pick is Pacquiao.”
- Latest