^

Bansa

Mga pulis na natutulog sa mobile cars binalaan ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalaan ng Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa kasong administratibo ang mga pulis na mahuhuling natutulog lamang sa loob ng mobile cars partikular na sa Metro Manila.

Ito’y sa gitna na rin ng pagpapalakas ng PNP sa pagpapatrulya ng mobile cars at police visibility matapos na tanggalin na ang mga checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Chief Supt. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Directorate for Operations, kinalampag na nila ang mga pulis at inalerto dahil ngayong tinanggal na ang mga checkpoints ay dapat maging masigasig ang mga ito sa pagpapatrulya.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa gitna na rin ng mga ulat na ilang mga pulis sa Metro Manila ay naispatang natutulog sa loob ng kanilang mga mobile cars samantalang may mga ganitong insidente rin sa mga probinsiya.

Sinabi ng opisyal na sinumang pulis na mahu­ling natutulog sa mobile cars ay mahaharap sa kasong administratibo at posibleng pagkakasibak sa serbisyo.

Hinikayat naman ng opisyal ang netizens na agad isumbong sa himpilan ng PNP  kapag may nakitang mga pulis na nakatambay lang sa loob ng mobile cars lalo na ang mga natutulog  upang agad nilang madisiplina.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with