^

PSN Showbiz

Kris bumango sa ginawa kay James

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang magiging mapayapa at masaya ang nalalapit na Pasko para sa sikat na cager na si James Yap at Italian partner nitong si Michela Cazzola kasama ang kanilang baby na si Michael James ngayong okey na sila ng ex-wife niyang si Kris Aquino ganundin ang anak nilang si Bimby at nakatatandang kapatid nitong si Joshua.

Dahil sa naging magandang gesture ni Kris, marami ang pumuri sa kanyang ginawa. 

Magmula raw nang ma­kita ni Bimby ang kanyang baby brother ay gustong-gusto nitong parating makita ang kapatid.

Derek two years pa ang natitirang contract sa TV5

Mukhang si Derek Ramsay na lamang among the entertainment contract stars ang natitira sa bakuran ng TV5 at meron pa umano itong nalalabing dalawang taon sa kanyang kontrata.

Sa isang panayam, inamin ng actor na magkakaroon umano siya ng isang TV series na tatalakay sa drugs.  Kahit walang gaanong ibang proyekto na pinagkakaabalahan ngayon si Derek sa bakuran ng Kapatid Network ay nanatili siyang loyal.

Derek was at the peak of his popularity sa bakuran ng ABS-CBN nang siya’y mag-desisyon sa lumipat sa TV5 dahil sa tempting offer ng nasabing TV network.  Nag-counter offer umano ang pamunuan ng ABS-CBN pero nanaig ang desisyon ni Derek na lumipat ng TV5.

As of now, halos wala nang local entertainment programs ang TV5 kaya nagsilayasan na ang kanilang mga (contract) talent at nagsilipatan na sa bakuran ng ABS-CBN, ang dating home studio ni Derek.

Kahit walang show sa TV5, nakakagawa naman siya ng pelikula sa iba’t ibang film outfits at kasama na rito ang The Escort ng Regal Films kung saan niya mga kabituin sina Lovi Poe at Christopher de Leon at mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula ngayong November 2.

vuukle comment

MICHELA CAZZOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with