^

Police Metro

Shabu lab shootout: 2 drug lord, todas

Joy Cantos - Pang-masa
Shabu lab shootout: 2 drug lord, todas
Ang mga kemikal na paggawa ng shabu na nasamsam ng mga otoridad nang salakayin ang isang shabu laboratory kahapon sa lalawigan ng Isabela na ikinasawi ng dalawang drug lord.

MANILA, Philippines - Natodas ang dalawang pinaghihinalaang drug lord matapos makipagbarilan sa mga otoridad at nasamsam ang bulto ng mga kemikal na kayang magprodyus ng bilyong halaga ng isang shabu laboratory raid sa lalawigan ng Isabela kamakalawa.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang  sina Kim Punzalan Uy; gumagamit ng mga  alyas na Atong Lee, Chua at Lung at isang hindi pa nakilalang Asian looking na lalaki.

Ang mga suspek ay pawang hinihinalang miyembro ng isang big time drug syndicates na nag-o-operate sa bansa.

Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nitong Oktubre 23, bitbit ang search warrant ay  ni-raid ng pinagsanib na  elemento  ng pulisya  at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  ang nasabing shabu laboratory sa compound ng  101 Prenza Street, Maharlika Highway, Cauayan City.

 Papasok pa lamang ang raiding team sa compound ng shabu laboratory ay sinalubong na ang mga ito ng pagpapaputok ng mga suspek na nauwi sa shootout at napatay ang dalawa. Nasamsam din ang bultu-bultong mga kemikal na kayang mag-prodyus ng 400 kilo ng shabu sa isang gawaan o sa loob ng isang linggong produksyon  na aabot sa bilyong halaga, isang cal. 45 pistol, isang cal 9 MM pistol, isang Toyota Hi–Lux  (ABB-3553)  at mga apparatus sa paggawa ng shabu.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with