^

Police Metro

Ikalawang killer ng college student utas sa selda

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang ikalawang suspek sa pagsaksak at pagpatay sa isang architecture student ng Adamson University kamakailan ay natagpuang patay sa kanyang selda kamakalawa.

Ayon kay Chief Superintendent Oscar Albayalde, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, na ang suspek na si Reynold Clave ay natagpuang walang malay ng kapwa preso sa loob ng Taguig City police station.

Agad itong dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival dakong alas- 10:45 ng gabi.

Sinabi ni Albayalde sa inisyal na pagsusuri na ang suspek ay namatay sa atake sa puso.

Magugunita na si Clave ay naaresto noong October 15, isang araw matapos na pagsasaksakin nila kasama ang isa pang suspek ang biktimang si  Nick Russel Oniot, na pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Central Signal Village, Taguig City.

Makikita sa CCTV footage ang pagsunggab ni Clave sa biktima na inaagaw ang dalang bag ni Oniot at nang ayaw ibigay ay pinagsasaksak ng kasama na nakilalang si Marvin Bernardo ng 18 beses ang biktima, na agad din naaresto, subalit nang-agaw ng baril sa mga pulis kaya’t ito ay napatay.

Ayon sa pulisya na si Bernardo ay isang ex-convict habang si Clave ay kilalang  drug dealer sa nasabing barangay at  sangkot sa mga insidente ng robbery hold-up sa  Pasay at Pasig.

Magugunita na masama ang loob ng pamilya ng biktima dahil sa hindi pagtulong ng mga naka­tambay at motorista na nakasaksi sa pangyayari.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with