^

PSN Showbiz

Very flashback Richard at Robin hindi malimutan ni Sharon?!

KAPAMILYA DAY - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala namang problema si Sharon Cuneta sa kanyang hangarin na makabalik sa TV, concert, at ultimately, sa movies dahil mukha namang sabik na makita siya ng lahat. Mas pinataas pa ng pagiging judge niya ang estado ng The Voice Kids.

Dinayo rin ang pagbabalik niya sa concert scene kahit ginawa ito sa Resorts World Manila na napakalayo sa halip na sa mga maliliit na sinehan dito sa Kamaynilaan. Hindi na kailangan na malaman pa ng lahat ang hindi matagumpay na romansa niya kina Richard Gomez at Robin Padilla. Bagaman at magandang promosyon sa mga project niya ang mga ito, hindi na niya kinailangang balikan pa ang mga ito. She should, have reserved it for a project niya na mas na­nga­ngailangan pa ng mas malakas na tulak o promosyon. Pero interesting din na marinig ang mga kuwento niya sa mga asawa ngayon nina Cong. Lucy Torres- Gomez at Mariel Rodriguez-Padilla.

Pops kinalimutan na ang sariling karera

Matagal nang hindi nakikita o naririnig si Pops Fernandez kahit hindi pa naman siya retirado. Wala siyang anunsyo tungkol dito, pero ang kawalan niya ng concert, recording o ang kahit ‘di paggi-guest lamang sa mga programa sa TV ay tila isang indikasyon na masaya na siya at kuntento na sa pagpo-prodyus ng mga konsyerto para sa iba. What matters most ay aktibo pa siya sa showbiz at may nabibigyan ng trabaho.

Ang pinakahuling palabas na kanyang ginawa ay para sa 30th anniversary ni Vina Morales.

Susunod na proyeto ng con­­cert queen bilang isang pro­d­yuser ay ang pagdadala rito at pagpapakila sa isang Pinay na sa bansang Hapon nakilala, si Marlene dela Pena. Yes, isang superstar sa Japan ang ating kababayan na bago pa nakilala dito ay pumunta na ng nasabing bansa.

Sa tulong ni Pops, makikita na ng mga Pinoy na mahilig sa magagandang kan­ta at musika kung ano’ng meron si Marlene para hangaan at iluklok sa tagumpay ng mga Hapones. Nagtagumpay kaya siya kung dito siya gumawa ng karera?

Gina salitan ang pag-arte at pagdidirek

Balik na naman si direk Gina Alajar sa pagdidirek ng serye para sa GMA. Matapos niyang tapatan ang pagiging kontrabida ni Jaclyn Jose via Magkaibang Mundo, direktor na naman siya ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa na magtatampok kina Martin del Rosario, LJ Reyes, Benjamin Alves, at Julie Anne San Jose.

Parehong forte ni Gina ang pagdidirek at pag-arte. Ang paglabas niya sa Magkaibang Mundo ay isa lamang paraan para makapag-recharge siya sa pagiging direktor at hindi kalawangin ang kanyang akting. Open siya sa mga acting roles, basta wala lamang siyang idinidirek na programa.

JM babalikan na ang career?!

Ang guwapo ni JM de Guzman sa picture niya sa Instagram. Marami ang natuwa na baka hudyat na ‘yun ng kanyang pagbabalik. Magaling siyang aktor kaya marami ang nakaka-miss sa kanya. Nakalabas na sana siya, pero kinailangang bumalik ng rehab para sa tuluyan niyang recovery. Naka-inspire siguro sa kanya ang kampanya laban sa drugs ng gobyerno kung saan maraming kapareho niyang artista ang sangkot.

Isa siyang magandang ehemplo para sa mga biktima ng drugs na umangat at balikan ang kanilang buhay at mga career. But while JM is bent on returning to acting wala yatang ganitong balak si Jiro Manio na ayaw na raw umarte.

Dingdong isinasabuhay ang role

Iba talaga si Dingdong Dantes dahil kung ano ang role na ginagampanan niya, talagang isinasabuhay niya. Tulad na lamang ng kanyang recent Instagram post kung saan sinasabi niyang huwag daw magnakaw at kasama pa niya ang co-star niyang si Paolo Contis habang nasa set ng Alyas Robin Hood. 

It’s so nice to know na akmang-akma ang tema ng mga eksena sa kanyang GMA Primetime show sa mga happenings around.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with