^

PSN Showbiz

Coco gusto nang aminin ang relasyon kay Julia!

KAPUSO DAY - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kilalang-kilala talaga ni Ruby Rodriguez ang anak niyang si Toni Aquino dahil alam na alam niya kung sino’ng guy ang babagay sa anak.

Kasali si Toni sa bagong youth-oriented show ng That’s My Bae na Trops na magsisimula na sa Lunes, October 24 bago mag-Eat Bulaga.

Nu’ng magsimula silang mag-taping sa Trops, kararating lang daw noon ni Toni mula sa Amerika at ang nakatsikahan niya ay si Jon Timmons na isa sa mga miyembro ng That’s My Bae at pareho niyang Inglisera. Ang iba raw ay iwas sa kanya dahil nosebleed sa kai-English nito. Kaya naging close sila agad.

PAK: Sayang at hindi nakumpleto ang una at present na major cast ng Encantadia nang mag-dinner sila kamakalawa ng gabi. Hindi kasi pumuwede ang iba pero sa mga original cast, dumalo pa sina Iza Calzado at Karylle na parehong nasa kabilang istasyon na.

Nanghinayang naman si Cong. Alfred Vargas dahil gustung-gusto rin sana niyang dumalo, pero hindi lang siya pumuwede.

Pero natutuwa si Alfred sa magandang feedback sa bagong Encantadia. Proud siya kay Rocco Nacino na siyang gumaganap ngayon ng Aquil na dati niyang ginamapanan.

Ani Alfred, “I’m proud of what Rocco has done to the character. Talagang nabigyan niya ng justice at bagay na bagay siya as new Aquil.”

Kaya type rin sana ni Alfred na mag-guest sa naturang telefantasya kagaya ng pagsali ni Sunshine Dizon at ngayon naman si Diana Zubiri.

Posibleng umapir din si Alfred sa Encantadia dahil tinawagan na pala siya ni direk Mark Reyes.

BOOM: Ipinost sa Instagram account ng Cornerstone na winelcome nila ang young actress na si Julia Montes.

Ibig sabihin, tuloy na nga ang paglipat nito sa Cornerstone na nagma-manage kina Sam Milby, Eric Santos, Yeng Constantino, at marami pang iba.

Ang tsismis lang na narinig namin, si Coco Martin daw ang nagpa-pull out kay Julia sa Star Magic dahil ayaw silang payagang aminin sa publiko ang kanilang relasyon.

Wala naman kaming makuhang sagot mula sa kampo ng dalawa, kaya mabuting abangan na lang ang pag-amin nila dahil ang duda ng iba baka may balak na raw lumagay sa tahimik ang dalawa bilang nasa tamang edad na rin naman sila.

vuukle comment

RUBY RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with