Habang ‘di pa pinag-iinteresan ng mga network Kris pinapayuhang mamahinga na sa showbiz
SEEN: Literal na napanganga si Vice Ganda sa death defying performance ni Anne Curtis noong Huwebes para sa 7th edition ng Magpasikat ng It’s Showtime. Mahihirapan si Vice at ang ibang mga host ng It’s Showtime na mahigitan ang air dance ni Anne mula sa ELJ Building.
SEEN: In bad taste at hindi nakakatawa ang kissing scene nina Billy Crawford at Ryan Bang sa presentation nila sa Magpasikat noong Lunes. Hindi matutuwa ang board members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kung panonoorin nila ang playback ng cheap na eksena.
SCENE: Bumalik na kahapon sa Pilipinas sina Marian Rivera, AiAi delas Alas, Alden Richards, Joey Paras, Barbie Forteza, Jerald Napoles at ang production staff ng Sunday PinaSaya mula sa kanilang bakasyon sa Japan na 1st anniversary treat sa kanila ni Tony Tuviera, ang producer ng Sunday PinaSaya.
SEEN: Hindi na isasali ng Regal Entertainment, Inc. sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang horror movie ng Pwera Usog, ang launching movie ng Millennial Regal Baby na si Devon Seron.
SCENE: Malapit nang buksan ang bagong restaurant business ni Rocco Nacino sa Bo. Kapitolyo, Pasig City. Mahigit sa tatlumpo ang kasosyo ni Rocco sa restaurant na magiging specialty ang popular spicy noodle dish na laksa ng Malaysia at Singapore.
SEEN: May pinagdaraanan ang young actor na si Ruru Madrid dahil may sakit ang kanyang pinakamamahal na lola.
SCENE: Ang mga unsolicited advice kay Kris Aquino na magpahinga muna sa showbiz at i-enjoy ang kanyang mga pinagpaguran habang hindi interesado ang mga television network na kunin ang kanyang serbisyo.
SEEN: Wala nang Entertainment TV department ang TV5 kaya hindi na ito magagamit ni Kris Aquino para habulin siya ng ibang mga television network tulad ng ginawa niya noong 2013 bago siya nag-renew ng kontrata sa kanyang dating home station, ang ABS-CBN.
- Latest