Birthday celebrant kinalawit ni kamatayan
May 31, 2002 | 12:00am
Kamatayan sa halip na kasiyahan ang kinahantungan ng isang 43-anyos na operator makaraang barilin ng isang hindi nakikilalang suspect sa mismong araw ng kanyang kaarawan, kahapon ng madaling araw sa Quiapo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Severino Panes Jr. at kasalukuyang naninirahan sa Quintos St., Sampaloc.
Samantalang mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Base sa imbestigasyon, dakong alas 12:40 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng Sun View Restaurant na doon nagdiriwang ng kaarawan ang biktima.
Nabatid na nagkagitgitan ng upuan ang biktima at suspect dahil na rin sa kapwa na sila lasing.
Nainis umano ang suspect at walang sabi-sabing bumunot ng baril at saka pinaputukan ang biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest