^

Entertainment

‘Wika-Pedia’

ME, STARZAN - The Philippine Star

“Bawat araw ay gawing tila huli mo na,

At darating din ang araw na tatama ka!”

Nang marinig ko ‘yan sa isang pelikula,

Hindi napigilan malakas na pagtawa!

 

Ingles sinabi at kahit anong dila pa,

Tunay namang nakakaaliw walang duda!

At higit sa lahat wala tiyak kokontra —

May katotohanan naman ito talaga!

 

Nakatuwaan kong isalin kapagdaka

Sa ating sariling wika at patula pa!

‘Yan ang mga CUTE-TATIONS o banggit na kwela!

Kung ‘di gabay sa buhay, pasaya sa basa!

 

Pangkaraniwang kasabihan ‘di lang basta,

Tulad nung “paglalakad nang matulin” baga

Ay tungkol sa maging mahinahon ka sana

Pagkat “malalim pag natinik” ang babala!

 

Eto ‘yung mga seryo at may paalala,

At meron din namang higit na malala pa —

‘Yun bang “sa wika mo pag hindi nagmahal ka,

Higit ka pa sa hayop at isdang malansa!”

 

Si Rizal pa nga ang nagsabi n’yan hindi ba?

Tila may pananakot pa na dala-dala!

Kaya nga raw nung binaril na sa Luneta,

Lalo pang nasaktan sa mga narinig n’ya!

 

Dahil ang mga huling pumasok sa tenga

Ay ‘di sariling wika kundi Kastila pa!

“Preparen… Apunten… Fuego!” ‘yan ang istorya,

“Humanda… Sipatin… Putok na!” man lang sana!

 

Napakasakit Kuya Pepe! Pero teka…

Hindi sa sinisisi kita at… na-karma?

Ngek! Mali! Bura! Eh kung bakit nga kasi ba

‘Di Tinagalog “Adios Patria Adorada”?!

 

Ambeth Ocampo, TULONG! Nagtatanong lang ha!

‘Sabagay ‘yung tatay ko na katukayo n’ya,

Parang may kasalanan din sa isang banda

Pagkat dun inilibing sa bansang Espanya!

 

‘Di nga wika pero ‘di sa sariling lupa!

‘Di naman n’ya alam dahil nga namayapa!

Ngunit ‘yang binanggit nga n’ya tungkol sa wika,

Kanino ba n’ya ‘yun talaga na patama?!

 

At bakit nga kaya ginawang halimbawa

Sa kanya ngang sinabi ay hayop at isda?

Hindi naman sa usapan ay nawawala

Ngunit hayop at isda may wika nga kaya?

 

‘Di ko lang maisip meron nga bang salita

Ang mga kanduli, sapsap, dalag, tilapia?!

Ubra pa sa hayop dahil may ngumangawa,

May kahol, ngiyaw, tilaok, may umuuha!

 

Ang paghahalintulad eh bakit nga kaya?

At paano nga ba pagmamahal sa wika?

Ang lagi bang gamitin sa pluma at dila?

Pag English speaking, ‘di ba HAYOP mag-Ingles nga?!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with