^

Pang Movies

Proposal naganap sa Europe Anne engaged na!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahapon ay pinost ni Amy Perez sa kanyang Instagram account (@amypcastillo) ang video ni Anne Curtis na kumakanta sa It’s Showtime.

Nakabalik na nga ng bansa si Anne.

Sa video na ‘yon, may suot na singsing si Anne at nagtanong sa post na ‘yon ang isang follower ni Amy kung engagement ring ba ang suot ng girlfriend ni Erwan Heussaff?

Engagement ring nga kaya ‘yon at kung engagement ring nga ‘yon, tama ba ang tsika ng isang malapit sa mag-sweethearts na next year na sila magpapakasal?

Well…

Ruffa pinagmukhang masama at inggrata

Matigas talaga ang mga taong nasa likod ng isang produktong nanggagamit kay Ruffa Gutierrez at pinalalabas na ang produkto nila ang talagang ginagamit ng It Takes Gutz to be a Gutierrez reality TV series star.

Ipinagpipilitan talaga ng produktong ‘yon na iniwan na ni Ruffa ang CosmoSkin Glutathione and Collagen.

May ibang version na naman sila ng pekeng balitang ipinakakalat.

Nasa Hong Kong lang ngayon si Ruffa, pero babalik siya ng bansa para once and for all ay humarap sa media at klaruhin ang issue na ‘yon.

Hindi ma-take ni Ruffa na gina­gamit na nga siya ng mga taong nasa likod ng produktong ‘yon ay siya pa ang nagmumukhang ingrata at masama dahil pinalalabas talagang sinisiraan daw niya ang CosmoSkin.

Mabuti na lang at mababait ang CosmoSkin owners na sina Niño Bautista at Red Gatus at hinihiling lang muna ng mga ito sa netizens na tulungan silang mapahinto sa napakaraming social media networking sites ang pagkalat ng pekeng balitang ‘yon.

Kumunsulta na rin sila sa kanilang mga abogado tungkol doon at sa linggong ito ay haharap na rin sila sa media para i-expose ang panggagamit na ‘yon kay Ruffa at sa kanilang mga produkto.

Bisaya hindi pa rin nahahanap ang lumang cell phone

Ang denial ng isang restaurant sa Greehills, San Juan na sa kanila naiwan ni Annabelle Rama ang old red Nokia cell phone nito na nagagamit lang dahil nakatali ng rubber band.

Hindi mamahalin ang cell phone na ‘yon ni Bisaya na dapat ay matagal nang nag-“retire” pero “user friendly” raw ‘yon kaya gustung-gusto ni Bisaya.

Ang worry ngayon ni Bisaya ay baka gamitin ‘yon sa katarantaduhan ng taong nakakuha.

Aicelle at Mark feeling magka-loveteam

Masyadong open sa kanilang relasyon ang traffic-diva na si Aicelle Santos at ang GMA 7 news reporter na si Mark Zambrano.

Halos araw-araw kung mag-post sila sa kanilang social media accounts.

Kahapon ay nag-post si Mark ng picture na tila pag-uusap nila ni Aicelle sa pamamagitan ng video call.

Tila out of town si Aicelle at “Missing you mahal” ang part ng caption ni Mark sa pinost niyang ‘yon.

Para silang magka-loveteam sa mga pino-post nila.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with