^

PSN Palaro

Gonzaga-Bautista duo karanasan ang armas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging malakas na armas nina Jovelyn Gonzaga at Nerissa Bautista ng RC Cola-Army A ang malalim na karanasan upang makumpleto ang matamis na sweep tungo sa pagkopo ng kampeonato sa Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup.

Alam nina Gonzaga at Bautista na hindi magiging madali ang kanilang tatahakin sa finals kung saan kinailangan ng dalawa na pigilan ang matikas na hamon nina Cherry Ann Rondina at Patty Orendain ng Foton bago kunin ang 21-19, 18-21, 15-13 panalo.

“Nagpapalit-palit kami ng game plan. Sa umpisa, ang target talaga namin si Patty dahil alam namin na mataas ang porsiyento ni Rondina. Nandun yung communication namin, hindi talaga kami bumitaw mula umpisa hanggang dulo,” wika ni Gonzaga na muling nadagdagan ang kanyang tropeo matapos magkampeon ng tatlong beses sa Nestea Beach Volley National Finals.

Sa katunayan, umabante ang Toplander sa third set, 12-11, subalit d­alawang errors ang nagawa nito dahilan upang makahabol ang Lady Troo­pers na siyang naging pundasyon nito tungo sa panalo.

“Nung third set, ang tinarget na namin si Rondina para mabago ang play nila dahil hindi niya ini-expect na siya ang tatargetin namin. Kumbaga, nasanay sila na si Patty ang lagi na­ming tina-target,” dagdag ni Gonzaga sa ginawa nilang estratehiya.

Nagmartsa sa finals sina Gonzaga at Bautista nang pataubin sina Bang Pineda at Aiza Maizo-Pontillas ng Petron XCS, 16-21, 21-13, 16-14.

Umusad sa quarterfinals sina Gonzaga at Bautista nang makuha ang malinis na 3-0 rekord sa Pool D kung saan tinalo nito sina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng Far Eastern University-Petron (21-19, 16-21, 15-13), Vhima Condada at Mary Grace Berte ng Cignal (21-15, 21-14), at April Ross Hingpit at Jonafer San Pedro ng Meralco (21-17, 21-16).

Sa quarterfinals, pinataob ng Lady Troopers sina Maica Morada at Frances Molina ng Petron Sprint 4T, 21-14, 21-12.

vuukle comment

COMICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with