Leni ‘di bibigyan ng puwesto ni Digong
MANILA, Philippines – Wala anyang plano si incoming President Rodrigo Duterte na bigyan ng cabinet post si incoming Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Duterte na hindi man pumasok sa kanyang isip na bigyan ng posisyon si Robredo at inamin din nito na hindi din niya alam kung magkakaroon sila ng magandang relasyon ni Robredo pero handa siyang pakisamahan ito.
Uunahin umano ni Duterte na hanapan ng posisyon ang mga taong loyal at tumulong sa kanya para manalo.
Subalit, inalok naman nito ng cabinet post ang dalawang dating cabinet officials ng Estrada administration na sina National Treasurer Leonor Briones upang maging secretary ng Department of Education at Benjamin Diokno upang maging budget secretary.
Mayroon din siyang inalok mula sa Davao para pamunuan ang National Defense, Bureau of Customs at Land Transportation Office na darating bukas na hindi niya muna pinangalanan.
- Latest