^

Entertainment

‘Tito, Vic EN Joey’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Masarap ding gumising sa kama ng iba

Ops, I mean ‘yung nasa hotel at ibang place ka!

Kaiba ang paligid pagdilat ng mata,

Iba makikita paghawi ng kurtina!

 

May bathrobe ka pa na hindi naman sa iyo!

Sabon, shampoo, pang-ahit at pati sepilyo!

Hindi mo katulong maglilinis ng kwarto!

Sa pag-uwi lang gamit pera’t credit card mo!

 

Of course, sa byahe, ‘yan ang ibig sabihin ko!

Makailang ulit na ring nabanggit dito,

Alis ka nang umaga’t gabi na balik mo,

Iniwan mong magulo malinis nang kwarto!

 

Tulad ngayon si Pauleen Luna at Vic Sotto,

Matapos ikasal noong isang Sabado,

 Nasa isang malayong hotel sigurado

At NAGPUPULOT-GARTER este, GATA ito!

 

Pulot-gata ay HONEYMOON pero teka lang,

Tila may mali kahit na masarap pa ‘yan!

PULOT ay HONEY ngunit GATA ba ay BUWAN?

Buwan din lamang … tayo’y magkaliwanagan!

 

Sandali’t hindi lang mali kundi MALISYA!

Pulot nga ay matamis at sweet sa dalawa,

Subalit gata ay PUTI at KATAS ‘di ba?

At malayo ang MOON… epek lang n’ya pag NINE na!

Ngek! Ewan! Pabayaan na lang natin sila!

T’yempong-t’yempo nga at bukas Chinese New Year na!

Sa honeymoon nila doon na magkikita

MOONCAKE ni Poleng at MOONKEY ni Vic ano pa?!

 

Malamang nagpa-feng shui itong kumpare ko,

Parang naka-script pati dikit at lagkit dito

Dahil may TIKOY din sa mga panahong ‘to!

Hmmmlahat DEPOSIT este DE POSITIBO!

 

Year of the Fire Monkey na nga pala tomorrow,

Kung Hei Fat Choi! Tsonggo’t Unggoy na ‘di bumbero!

But wait, kanina pa ang MOON hinahanap ko,

Eh HONEY mo nga pala si LUNA ano ‘ko?!

 

Once again, I wish you two all the best every day!

Pwera lang s’yempre wish ni Alden na WISH I MAY!

Ngek! Wish ko rin sa hotels kayo lagi mag-stay,

Ayos! Puro lang room service, travel and VACAY!

 

At sa tanong n’yo narito ang kasagutan,

Kung after Luna de Miel o Honeymoon na ‘yan,

Babalik pa ba si Poleng sa TV program?

Magba-viaje nga eh! So, PLANE housewife na lang!

 

 And or EN finally, how’s this for coincidence?

Ang Tito, Vic EN Joey nakumpleto na rin

Si Tito may HelEN at si Joey may EileEN,

And now ladies and gentlemen… si Vic may PauleEN!

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with