^

Entertainment

‘Sino ba bastos?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nagsabi ng “LECHE!” hindi na magmumumog

Dahil ‘di naman ‘to murang nakakadurog,

Katunayan isa pa nga itong pampalusog,

Gatas! Milk! Para lang Carnation o Darigold!

 

Mula ito sa isang linyang pambulabog

Sa ‘sang “hilaw” pang nahulog sa mga hinog;

Kung batang-bata ka pa at meron pang uhog

At sa usapang matanda’y nakikisahog!

 

“Umuwi ka hijo sa casa at matulog!

Dede la leche de su madre!” in SPANGLOG!

Umimbulog, nayugyog, nabugbog, napagod …

Hanggang sa “LECHE” na lang sa dulo nahubog!

 

At mula nun nagkamalisya na tunog,

Siguro’y dahil may inis pag dinayalog,

Ganon pa man paniwala ng inyong lingkod

Walang “bastos” kung may lusot ka sa pasabog!

 

Tulad nung nauso kombinasyong TAPSILOG,

Lumabas na rin kung ano-anong LOG-LOG,

Bad ba LANGGONISA, BANGUS, SINANGAG, ITLOG?

Pag pinagsama-sama kasi… LABASITLOG!

 

Ano naman kasi bulgar sa “LABASITLOG”

Kung salita lang ba’t walang napapanood?

Sa pritong isda nga lang ang sarap ng tsibog!

What you see and not what you hear pa rin very good!

 

Kung kaya nga mata nasa harapan ng tao,

Nasa ilalim nga lang nito ang bibig mo!

At mas mataas pa nga ang pang-amoy dito,

Ngunit ang tenga sa tabi-tabi lang ito!

 

Mga sinabing ito ay hindi imbento,

Mga nakikita ang magpapa-totoo,

Kaya nga alalay at on the side lang ears mo,

Kaya pag narinig lang ALALAY lang tayo!

 

Kung baga sa kotse ay side mirror lang ito,

Alam mo namang baliktad tingin mo dito,

Hindi naman ubrang i-front page ang tenga mo ‘no

Pagkat malamang tutuli ang makain mo!

 

Yak! Kaya kung ano marinig, masagap mo,

“Tingnan” munang mabuti ang sinabing ito,

‘Wag basta paganahin ang mga sentido,

Tandaang neighbors at magkatabi lang these two!

 

Mata, ilong, bibig pangharap mo sa tao,

Tenga’t sentido mga tambay sa kanto!

Baka nalilito lang sa doble sentido,

TRULILI at TUTULI ay magkatunog ‘no!

 

Kung sakaling may bumitaw ng kapilyuhan,

Hindi man sinasadya o pinag-isipan,

Basta ba meron kang pintong malalabasan,

Ayos na ‘yan at tayo na la’y magtawanan!

 

Kahit nga anong bagay tila banal pa man

Sa wari ay uubra pa rin na malagyan

At pag-isipang may bahid ng kalaswaan,

Ano pa kaya sinasabi’t salita lang?

 

Eh “sinasabi” pa nga la’y SIN na simula!

First three letters ng “salita” ‘yun din sa SALA!

Paano, ‘di na ibubuka ang bunganga?

Hihintayin n’yo na lang bumuka ibaba?

 

O, malamang ‘yung iba na nama’y lumikha

Ng sarili nilang ideya’t sapantaha,

Sa  “bumuka” kung ano-anong inakala,

Hweh! Pambihira, eh ano pa ba de… LUPA!

 

Ano ba, de The BIG ONE! ‘Di ba may DRILL pa nga?

Nyek! ‘Yan na namang dalawang mga salita

“BIG ONE” at “DRILL” pwede na namang iakala

Na salaula! Anak ng puto kutsinta!

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANAK

ANG

ANO

KAYA

KUNG

LANG

MGA

NBSP

NGA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with