^

Entertainment

‘Pamangkin Ba Kita?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nang pumasa sa audition noon sa Bohol,

“MISTER” de Leon narinig sa nare-recall,

Buti’t “PLEASE REMAIN” at ‘di “THANK YOU” ang pahabol!

And for me, that’s the “MISTER” that’s so memorable!

 

‘Yun ang DA BES na ginamit sa aking TAY-TOL!

Sir Joey? Ngek! Ako ba’y Knight of the Round Table?

Mas gusto ko pa ngang tinatawag akong “’TOL!”

‘Wag n’yo kong FORMALIN… Ngek! Parang gamot dedbol!

 

Nung nasa “Wanbol” pa kami sa “Iskul Bukol,”

Kami-kami pa lang nun at ang staff very small,

Tawagan lang namin nun ay “’TOL” at “REPAKOL,”

Pero ngayo’y dumami na… mga EAT PEOPLE?

 

‘Yan ang tawag ko ngayon sa taga-BULAGA,

Damay na buong Dabarkads at lalo pa nga

Kasi tambayan namin mistulang kusina

Kaya’t puro kain talaga ginagawa!

 

Iba-iba tawag sa’min if needed sa floor —

‘Di naman “Tito Tito” kundi “SIR” … “SENATOR,”

Si Vic ay talagang “BOSSING” na no less, no more,

Ako’y walang iniwan sa sari-sari store!

 

Sir… Boss… Henyo Master… Kuya … Tito Joey,

Medyo ang hindi ko type ‘yung dalawang huli,

Ako nga through the years para safe ay nawili —

Tawaging “DARLING” ang girls… “PARE” ang lalaki.

 

‘Di namin malaman kung saan nag-umpisa

Sa showbiz ang pagtawag ng “TITO” at “KUYA,”

Kung kaya nga ngayon kapag may nag-“Tito” na,

Bwelta ko agad, “BAKIT, PAMANGKIN BA KITA?”

 

Basta ba ayoko at ‘wag kayong makulit!

Hindi ba Kuya Eddie at napakasakit!

Sa Hollywood nga matanong kayo kung bakit,

May Kuya Elvis? Manong Tom Cruise? Tito Brad Pitt?

 

Malamang patago n’yong itatanong sa’kin,

“At bakit, si Brad Pitt ka ba sa iyong tingin?”

Namputsa! Eh ‘yun na nga ibig kong sabihin!

HINDI NGA EH! At malamang na malamang din —

 

Sa ‘ming dalawa kung kayo ang tatanungin,

May katiyakang si Brad Pitt ang pipiliin,

Nampating! Kaya nga ‘wag n’yo ‘kong gagalangin

At please, JOEY na lang itawag n’yo sa akin!

 

Ang sarap pakinggan ng tunay mong pangalan,

Lalo’t hindi asiwa at maganda naman,

At hindi screen name o ‘yung tawag sa tanghalan,

Basta ‘wag “HAYUP KA!” simula’t katapusan!

 

Para sa inyong kaalaman mga Darling,

O ayan, “Darling” at hindi TITA o ATENG!

At kung medyo wooden shoes sa inyo ang dating,

De gawing Louboutin, ilalim papulahin!

 

Ang nais ko lamang sabihin ay now and then,

May tatlo pang hosts na namumupo sa akin!

Nadudulas kumbaga — Ryan, Julia, Pauleen,

Tawag ni Poleng kay Bossing? Hmmm… parang … Darleng?

 

Sa tanong na ano ‘yung audition sa Bohol

Sa pagsisimula nitong aking artikol,

ABS, Bohol Avenue pa nun mga ‘tol,

Tanggap na tarsier, este announcer repakol!

 

Hindi naman talaga ako galit darling

Kung Tito o Kuya ako ay tatawagin,

Ang nais ko lamang ay isang simpleng hiling —

Kahit gurang na Joey itawag sa akin.

 

Kahit ano pa ang pagtawag n’yo sa tao,

PAGTAWAG sa Kanya’y unahin sa puso n’yo!

Dalawang bagay gawin n’yo ngayon Pasko —

PAGTAWAG at PAGTAWA! Merry Christmas to you!

vuukle comment

BOHOL

BOHOL AVENUE

BRAD PITT

BRVBAR

HENYO MASTER

ISKUL BUKOL

KAHIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with