^

Entertainment

‘Ang Poet N’yo on Puwetry’

ME, STARZAN - Joey de Leon - Pilipino Star Ngayon

Bago nga pala natin lahat ay simulan

Ay isang paglilinaw ang ipaparaan —

Na Ang Poet N’yo po ay walang kinalaman

Sa napakalaking “POET” ni Kim Kardashian!

 

I call her “Kim Kardashian with the King Kong ASS d’yan!”

Ano sa tingin n’yo gusto n’yang patunayan?

Basta ‘ko isa lang masasabi ko riyan —

Kung ganon… ang laki-laki ng kanyang TI-PAN!

 

Ngunit isang banda’y nakakatuwa naman

Malaman na ang katulad kong Poet ngayon

Ay usong-uso at sa balita ay laman,

Ako’y sa ‘taassila’y sa ‘baba malaman!

 

Kaya nga matulain ang kapaligiran

Dahil sa mga “Poet” na nakahambalang!

Hindi lang si Nicki Minaj at Kim Kardashian,

Meron pang Jennifer Lopez at Beyoncé d’yan!

 

Ngunit Ang Poet N’yo ay maliit nga lamang

Kung ikukumpara sa mga “Poet” na ‘yan,

Ako lang ay maloko… I’m just The Silly One,

Ano naman laban ko? They are The Silicone!

 

Ngek! Subalit kung ‘yan ngayon tinatakbuhan

At ang mga “Poet” ang bagong kalakaran,

 Dirty Old Men, este Old Masters pala naman

Sa larangan ng sining ay may celebration!

 

Totoo kung gayon ang buhay at ang fashion,

Paikot-ikot at pabalik-balik lamang,

Peter Paul Rubens, Botero ngiti naman d’yan!

The art we left behind? BEHIND ay front na naman!

 

Ngunit malaki rin ang isang katanungan

Ang “Poet” n’yo ba para sa kalalakihan

Ay napakalaki ba ng kahalagahan?

O, madalas nga ng away pinagmumulan?

 

Alam ko sa Pinay pag mister n’yay tinuran,

“Darling, medyo lumalapad yata tayo d’yan!”

At lalo na pagtawa pa ay sinabayan,

Todas! Dahil “pagtanda” katumbas sa’tin n’yan!

 

Paglaki ng “Poet” at paglaki ng tiyan

‘Yan madalas problema ng magkakatipan,

Kaya kung nais n’yong kayo’y magkatagalan,

Boys, pwet lang at please lang‘yan ‘wag pakialaman!

 

Kaya ang “Poet” nila sa kanila lang ‘yan!

Wala tayong magagawa, gusto nila ‘yan!

Ang “Poet” sa atin ‘di ba’t pang-upo lamang?

Ang “Poet” sa kanila pwede ring upuan!

 

“Poet” Pilipina sa aking nalalaman,

Waring puso rin n’ya kapag hinahawakan,

Himas ng pagmamahal … pinag-iingatan,

At maganda pa — MALIIT ANG SALAWAL lang!

 

Pinoy boys talaga pagdating sa husgahan,

Mataas ang iskor para sa kagandahan,

Type natin ang Pretty at hindi PWETTY Woman!

Ayaw nating pwet na may sariling isipan!

 

WAPUT sa atin ay parte lang ng katawan,

Ayaw natin ng babaing tila ba langgam!

Ang “hinaharap” pa nga ang pinupuntusan,

FACE BE WITH YOU at hindi PRAY FOR ASS ang laban!

vuukle comment

ANG POET N

ANO

KAYA

KIM KARDASHIAN

LANG

NGUNIT

POET

YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with