^

Kutob

Marso 24, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang laman ang aking isip, puso at maging ang buhay ko ay laan ko para sa kaluguran ng aking Manlilikha.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kalituhan ang hatid ng kapwa Aries na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang magiging kontribusyon ng may pangalan na unang titik ay C, D o E. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag magpabigla-bigla sa aksyon o desisyon. Magpokus kung papaano mapapaunlad ang kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Taurus sa trabaho. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na may kinalaman sa mag-asawa para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ayusin ang pakikipagrelasyon ng hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itago ng mabuti. Habaan ang pasensya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Malaki ang magiging bahagi ng kapwa Cancer na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kakailanganin na timbangin ang mga pangyayari nang nakaraan. May magandang hatid na balita ang isang Leo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malamang makakasagupa ang isang Cancer o Taurus na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Malaki ang magiging bahagi ng isang kapwa Virgo o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Magpokus ka sa pag-invest, maging sa trabaho o may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung may balak na magbiyahe ng malapit o malayo, walang magiging sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay o katrabaho. Mahahanapan ng solusyon ang problema at manunumbalik ang harmoniya. Magi­ging istabilisado ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nob­yembre 22) – Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangan na magplano tungkol sa kalagayang pinansyal. Magplano at hanapan ng paraan para magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o kapwa Scorpio ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maisa­saayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ka ng Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharapin na pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magkakaroon ng maraming aktibidades. Pagtuunan ng dobleng pag-ingat ang anumang gagawin. Tapusin ang si­nimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs tungkol sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung walang asawa, nakapokus ang panahon at aten­syon sa pagpaplano na mag-asawa o magpakasal. Kung may asawa, nakapokus ang pansin o atensyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisyal na A o E. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May masasayang pangyayari na maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang Taurus. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with