^

Police Metro

Pulis itinumba ng tandem

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa na namang bagitong pulis ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa  naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Ang biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kinilalang si PO1 Marlon Nofuente, 32, ng ML Quezon St., Brgy. Sucat ng nasabing lungsod dahil sa tama ng bala sa ulo at kanang hita.

Batay sa ulat, dakong alas-6:19 ng gabi sa kahabaan ng  M. L. Quezon St., Purok 4,  Brgy. Sucat ay naghihintay ang biktima ng masasakyang tricycle nang dumating ang isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka na may angkas ang dalawang kala­lakihan na kapwa nakasuot na kulay itim na jacket at helmet at agad na pinagbabaril ang biktima.

Mabilis namang isinugod ang biktima  ng Sucat Rescue Team sa naturang ospital, subalit nasawi ito habang nilalapatan ng lunas.

Matatandaan, na noong Linggo ay pinagbabaril at pinatay din ang isang babaeng bagitong pulis sa Maynila.

vuukle comment

MARLON NOFUENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with