^

PSN Showbiz

Jerika at Meryll wala nang pakialam kay Bernard!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin in good terms ang estranged sweethearts na sina Jerika Ejercito at ang actor na si Bernard Palanca matapos magpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa sa social media sometime in June this year. Ang dating magkasintahan ay may two-year-old son na si Isaiah Joseph Ejercito Palanca na may kung ilang buwan na rin umanong hindi nakikita at nadadalaw ni Bernard.

Kahit hiwalay na sina Jerika at Bernard, hindi umano ipagkakait ng nakatatandang kapatid ni Jake Ejercito ang kanilang anak dahil anuman daw ang nangyari sa kanila ay mananatiling ama ni Isaiah si Bernard.

Hindi naman nagsalita si Jerika kung may sustento kay Isaiah ang kanyang ama.

Samantala, sa kabila ng paghihiwalay nina Jerika at Bernard, may maganda namang nangyari, ang pagiging magkaibigan ng ex-wife ni Bernard na si Meryll Soriano at ni Jerika at pagiging close ng mga anak nila (kay Bernard) na sina Isaiah (2) at Elijah (9).

Gusto nina Jerika at Meryll na lumaki ang kanilang mga anak na close bilang magkapatid.

Still on Jerika, meron na itong bagong kasintahan ngayon, ang non-showbiz na si Miguel Aguilar.

Hindi naman itinatanggi ni Jerika na tanggap nila ang 5-year-old daughter ni Andi Eigenmann na si Ellie sa kanilang pamilya dahil anak ito ng kanyang nakababatang kapatid.

Movie ni Vhong habol na habol sa MMFF

Naisumete na kahapon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) selection committee ang finished product ng pelikulang Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ng dancer-turned comedian-TV host na si Vhong Navarro at idinirek ni GB Sampedro under the new film outfit na Cineko Productions.

Ang Mang Kepweng Returns ay movie remake ng pelikulang unang pinagbidahan ng yumaong sikat na komedyante na si Chiquito.

 

vuukle comment

BERNARD PALANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with